Sotto: 3 Senador nag-aagawan sa education committee

Tatlong senador ang nais na maging chairman ng Senate Committee on Education sa papasok na 18th Congress.

Ayon kay Senate Pres. Tito Sotto, nais nina Senators Joel Villanueva at Sherwin Gatchalian at Senator-elect Pia Cayetano ang komite na babakantehin ni Sen. Francis Escudero.

Sa patapos na 17th Congress, si Gatchalian ang chairman ng Committee on Energy at Committee on Economic Affairs habang si Villanueva ang chairman ng Committee on Youth at Committee on Labor, Employment and Human Resources and Development.

Para maresolba ang isyu ay makikipag-usap si Sotto sa mga kapwa Senador kung sino ang magiging pinuno ng Senate Committee on Education.

Samantala, sinabi ni Gatchalian na gusto niyang suriin ang K to 12 program kung siya ang maging chairman ng Committee on Education.

Ayon kay Gatchalian, may mga problema sa K to 12 program at hindi anya naging maganda ang resulta nito.

 

 

 

 

Read more...