Patay ang 2 motorista matapos sumalpok ang kanilang sports utility vehicle sa isang bus sa gitna ng malakas na ulan sa national road sa Barangay Maligaya sa Echague, Isabela.
Dead on the spot sina Dominic Feliciano, driver ng SUV at ang pasahero nitong si Aljon Ocampo.
Ayon kay Police Captain Frances Littaua, Isabela Police spokesperson, nag overtake ang sasakyan ng 2 biktima sa isang tricycle at bumangga sa isang Victory Liner bus.
Sumuko naman sa pulisya ang 41 anyos na bus driver na si Herman Gumban.
Nahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide.
MOST READ
LATEST STORIES