P3.4M halaga ng shabu nakumpiska sa CamSur

Sipocot Municipal Police photo

Nakumpiska ang tinatayang P3.4 milyong halaga ng shabu mula sa isang suspek sa Sipocot, Camarines Sur.

Nasamsam ang droga sa isang lalaki sa operasyon ng Sipocot Municipal Police.

Nakuha sa suspek ang 2 sachet ng shabu na may timbang na kalakating kilo.

Bukod sa droga, nakumpiska sa suspek ang hindi pa tukoy na halaga ng pera.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Act.

 

 

Read more...