Commercial building sa Calapan City, tinupok ng apoy

Tinupok ng apoy ang isang apat na palapag na commercial building sa Calapan City, Biyernes ng umaga, May 24.

Ayon kay Choy Aboboto, Calapan City Public Safety Department (CCPSD) chief, nag-umpisa ang sunog 1:45 ng hapon sa ika-apat na palapag ng Star Europhil Furniture at Appliance Store sa Barangay Lumangbayan na pagmamay-ari ni Marcelino Atienza Jr.

Agad namang rumesponde ang mga fire volunteer ng CCPSD at mga bumbero ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa insidente at naagapan ang sunog na hindi na kumalat sa iba pang palapag.

Idineklarang fire out 2:30 ng hapon at walang naitalang nasaktan sa nangyaring sunog.

Kasalukuyang inaalam ng BFP ang naging pinsala ng sunog at kung ano ang sanhi nito.

 

Read more...