Lalaki arestado sa pagpatay ng PWD

Arestado ang isang lalake na suspek sa pagpatay ng isang Person with Disability (PWD) sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Ayon kay Police Lieutenant Coronel Efraim Camara, hepe ng Calapan City Police, brutal na pinatay ang biktima na si John Henry Orpia, 18 anyos na pipi at bingi.

Sinabi ng testigo sa pagpatay na 40 beses sinaksak ng suspek na si Jemar Espares Datoon, 20 anyos ang biktima sa Barangay San Rafael.

Nasa kustodiya na ng Calapan City Detention Center ang suspek at mahaharap sa kasong robbery with homicide.

 

 

Read more...