Ayon sa pulisya, nakapagpyansa na si Advincula kahapon ngunit nanatili sa kustudiya ng Philippine National Police (PNP) simula Biyernes, May 24 hanggang Sabado, May 25 dahil sa pagkakasakit.
Kinumpirma ni Police Lieutenant Coronel Arnold Thomas Ibay, National Capital Regionl (NCR) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief, na nakaalis na si Advincula sa Camp Crame pasado 1:20 ng hapon.
Lumabas si Advincula sa Camp Crame kasama ang kanyang pamilya at dumeretso sa isang sasakyan.
Sinabi ni Ibay na hinihintay lamang ni Advincula ang mga kaanak kaya nagtagal ito sa Camp Crame.
Dagdag pa ni Ibay, walang banta sa buhay ni Advincula na kanilang alam sa kasalukuyan.
Nagpyansa si advincula para sa kanyang kasong Estafa at illegal recruitment kahapon.