Matapos ang sunud-sunod na pag-aanunsyo ng oil price hike, ngayon ay inaasahan ang pagkakaroon ng rollback sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Tinatayang magkakaroon ng rollback sa martes mula P0.50 – P0.55 kada litro ng diesel, habang P0.40 – P0.50 kada litro ng gasoline, at P0.50 – P0.60 naman sa kada litro ng kerosene.
Inaasahan rin sa pagtatapos ng buwan ang pagbabawas sa presyo ng Liquified Petrolium Gas o LPG.
Dahil ito sa mahigit $100 na bagsak presyo sa world market ng contract price ng LPG.
Nilinaw ng mga pinagkukunan ng petrolyo na malaki pa ang posibilidad na mabago ang contract price ng mga produkto sa mga susunod na araw.
Mailalabas umano ang pinal na presyo ng gagawing rollback sa May 31, 2019.
MOST READ
LATEST STORIES