Ayon kay Aquino, bagaman kanta lang umano ang ‘Amatz’ ay mayroon pa rin iyong epekto sa mga kabataan na nakikinig.
Giit pa niya, 32 beses nabanggit ang salitang ‘Amatz’ sa kanta at alam din umano ng mga tao kung anong ibig sabihin nito.
Hinamon naman ni Aquino si Shanti Dope na gumawa ng kanta na makakatulong sa mga kabataan na umiwas sa iligal na droga.
Kanta lamang umano ito pero kung nagpo-promote ito ng masama ay patuloy itong babatikusin ng PDEA.
Matatandang hiniling ng PDEA na i-ban ang pagpapatugtog ng nasabing kanta dahil sa hindi magandang mensahe nito na tumatalima sa kampanya ng pamahalaan laban sa droga.