27 sugatan sa pagbangga ng bus sa pader ng Bataan Nuclear Power Plant

Aabot sa 27 ang nasugatan kabilang ang driver ng bus nang bumagga ito sa concrete fence ng Bataan Nuclear Power Plant.

Ayon kay Bataan provincial police director Police Colonel Villamor Tuliao, nangyari ang aksidente Biyernes (May 24) ng tanghali.

Nawalan umano ng preno ang bus at sa lakas ng pagkakabangga at ay naipit ang driver at kinailangang i-rescue.

Sa 40 pasahero ng bus, 27 ang dinala sa ospital.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa aksidente.

Read more...