OV-10 plane ng Air Force bumagsak sa Cavite

Air Force File

Isang OV-10 aircraft na pag-aari ng Philippine Air Force ang bumagsak sa Sangley Point sa Cavite.

Ayon kay PAF spokesman Major Aristedes Galang, dalawang piloto ng aircraft ang nagtamo ng minor injuries.

Kapwa sila dinala sa Sangley Point hospital at ligtas naman na ang kondisyon.

Nangyari ang plane crash alas 12:00 ng tanghali ng Biyernes, May 25.

Patuloy din ang imbestigasyon sa nangyaring pagbagsak ng aircraft.

Noong 2013 nagpatupad ng supensyon ang PAF sa kanilang OV-10 Bronco light strike/reconnaissance aircraft matapos ang insidente ng plane crash sa Palawan.

Read more...