Inanunsyo na ni UK Prime Minister Theresa May ang pagbibitiw sa pwesto kasunod ng mga p
anawagan matapos ang kabiguan na matupad ang kaniyang signature policy na pag-withdraw ng Britain sa European Union.
Sa kaniyang pahayag sinabi ni May na sa June 7 magiging epektibo na ang kaniyang pagbibitiw bilang lider ng Conservative Party, habang aalis siya sa pwesto bilang Prime Minister sa sandaling mapili na ang kaniyang successor.
Ginawa ni May ang pasya matapos na maging ang mga miyembro ng kaniyang gabinete ay kumalas na ng suporta sa kaniya.
Sa kaniyang pahayag sinabi ni May na pagsisisihan niya ang kabiguang ideliver ang Brexit.
Isa sa mga nangungunang maaring pumalit kay May ay si Boris Johnson, ang dating Foreign Secretary.
MOST READ
LATEST STORIES