Mga labi ng Pinay na pinatay sa Kuwait isasailalim sa autopsy ng NBI

Isasailalim sa National Bureau of Investigation (NBI) sa autopsy ang mga labi ni Constancia Dayag, ang Filipina housemaid na natagpuang patay sa bahay ng kanyang employer sa Kuwait.

Kahapon ay naiuwi na sa bansa ang mga labi ni Dayag kaya nais ng kanyang pamilya, maging ng Department of Labor na malaman kung ano ang tunay na sanhi ng pagkamatay nito.

Ayon kay Labor Undersecretary Renato Ebarle, hiniling nila sa NBI na magsagawa ng awtopsiya para malaman ang katotohan sa pagkasawi ng OFW.

May 14 nang mapaulat na dinala si Dayag sa Al Sabah Hospital pero agad din itong idineklarang patay dahil sa tinamo nitong pasa sa katawan at senyales ng pang-aabuso.

Pangunahing suspek sa sinapit ni Dayag ang 61-anyos na among lalaki.

Samantala, nagkaloob na ang OWWA ng P120,000 na financial assistance sa pamilya Dayag habang nasa P200,000 naman ang ibinigay ng recruitment agency nito.

Read more...