Mga rebelasyon ni alyas Bikoy balewala pa ayon sa PNP; Bikoy, isang napakalaking sinungaling – PNP

Wala pang anomang saysay ang mga rebelasyon ni Peter Advincula alyas Bikoy kahapon nang humarap siya press briefing sa Philippine National Police (PNP).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Police Maj. Guillermo Eleazar na ang direktiba ni PNP chief, Police General Oscar Albayalde ay imbestigahan ang mga pinagsasabi ni Bikoy.

Ani Eleazar alam naman ng lahat na si Bikoy ay isang napakalaking sinungaling.

At kahit batid ng lahat ang pagiging sinungaling ni Bikoy sinabi ni Eleazar na trabaho ng PNP na imbestigahan ang kaniyang mga sinabi.

Mayroon naman aniya itong mga nabanggit na maaring pagsimulan ng imbestigasyon.

Inatasan na ni Eleazar ang Northern Police District (NPD) na i-validate ang mga detalyeng binanggit ni Bikoy.

Read more...