6 patay, 12 nawawala sa lumubog na bangka sa China

Patay ang anim na katao habang 12 pa ang pinaghahanap makaraang lumubog ang isang bangka sa Zhenfeng County sa Guizhou, China.

Lulan ng nasabing bangka ang 29 na pasahero nang mangyari ang aksidente, Huwebes (May 23) ng gabi sa Beipan River.

Patuloy pang pinaghahanap ang mga nawawala, habang mayroon nang 11 nailigtas.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon sa insidente.

Read more...