Naghain ng not guilty plea sa tatlong bilang ng paglabag sa graft si Alcala.
Bukod kay Alcala, kasama sa kaso sina dating Bureau of Plant Industry (BPI) director Clarito Barron, dating National Plant Quarantine Services Division (NPQSD) chief Luben Marasigan, at kasalukuyang NPQSD head Merle Palacpac at 20 pang pribadong indibidwal.
Hindi naman natuloy ang pagbasa ng sakdal sa iba pang akusado dahil sa mga mosyon na nalabinbin sa anti-graft court.
Base sa information sheet ng Ombudsman inakusahan si Alcala mga BPI at NPQSD ng pagpabor sa Philippine Vegetable Importers, Exporters, Vendors Association of the Philippines (PHILVIEVA) at mga incorporators nito dahilan upang magdulot ng undue injury sa gobyerno.
Sinabi ng Ombudsman na sa kabuuang 8,810 na import permits na inisyu ng pamahalaan mula 2010 hanggang 2014 ay napunta sa VIEVA matapos aprubahan nina Alcala, Barron, Palacpac, and Marasigan sa kabila ng suspension order.
Ito ayon sa prosekusyon ang dahilan ng pagtaas ng bawang sa halagang P260 hanggang P400 kada kilo noong 2010 hanggang 2013 mula sa P165 to P170 kada kilo.
Kasalukuyang nakalalaya si Alcala at mga kapwa akusado matapos maglagak ng P30,000 na pyansa sa bawat isang kaso.