LOOK: Water level sa mga dam sa Luzon ngayong araw, May 24

Sa kabila ng nararanasang pag-ulan tuwing hapon at gabi, hindi pa rin ito nakatutulong para madagdagan ang water level sa mga dam sa Luzon.

Sa datos ng Manila Water, alas 8:00 ngayong umaga ng Biyernes (May 24) masa 170.97 meters ang water level sa Angat dam.

Malayo na ito sa minimum operating level na 180 meters.

Ang La Mesa dam naman ay nasa 68.67 meters ang water level. Bahagya itong nadagdagan dahil kahapon ng umaga ay 68.64 meters ang water level ng dam.

Nabawasan din ang water level sa San Roque, Pantabangan at Caliraya dams.

Habang bahagya namang nadagdagan ang water level sa Ambuklao, Binga, at Magat dams.

Read more...