Same-sex weddings idaraos na sa Taiwan; kauna-unahan sa kasaysayan ng Asya

Courtesy of AP

Mangyayari na ang kauna-unahang same-sex marriage sa Taiwan at ito rin ang magiging kauna-unahan sa kasaysayan ng Asya.

Inaasahang daan-daang same-sex couples ang magtutungo ngayon sa government offices para iparehistro ang kanilang pagpapakasal.

Noong nakaraang linggo ang Taiwan ay nagtala ng kasaysayan bilang unang lugar sa Asya na ginawang legal ang papapakasal ng same-sex.

Ngayong araw mahigit 150 na same-sex couples ang magpaparehistro ng kasal sa Taipei pa lamang.

Isang outdoor wedding party din ang nakatakdang idaos sa City Hall malapit sa Taipei 101 skyscraper.

Read more...