P1.7M halaga ng shabu nakumpiska sa Cavite

Arestado sa drug bust operation ang isang high value target sa General Trias, Cavite.

Base sa inisyal na impormasyon mula kay Police Lt. Col. Paul Bometivo, 250 na gramo ng shabu na may halagang P1.7 milyon ang nakuha nila sa suspek na si Zandro Onate.

Isinagawa ang drug bust sa bahay ni Onate sa Bella Vista Subd. sa Barangay Santiago.

Ikinasa ang operasyon sa tulong ng PDEA.

Nabatid na una nang naaresto sa kasong pagnanakaw si Onate.

Mapayapa na rin itong sumuko nang malaman na pulis ang napagbentahan niya ng droga.

Sasampahan ito ng kasong drug pushing base sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...