Plastic waste mula Hong Kong nadisukbre sa Misamis Oriental

Nadisukbre sa Misamis Oriental ang mga basura galing sa Hong Kong.

Ang pagkakadiskubreng ito sa mga basura mula Hong Kong ay kasunod ng serye ng isyu sa basura na galing Canada, South Korea at Australia.

Ang nasabing shipment galing Hong Kong ay dumating sa Mindanao Container Terminal sa bayan ng Tagoloan sa Misamis Oriental at inabandona mula pa buwan ng Enero.

Nang inspeksyunin ng Bureau of Customs (BOC) ay nadiskubre ang 21 malalaking bag na naglalaman ng crushed electronic parts at classified bilang mixed plastic waste.

Ang mga kargamentong ito mula Hong Kong ay idineklara bilang electronic accessories.

Nakasaad sa detalye ng broker ng shipment na ang office address nito ay sa Cagayan de Oro City habang ang consignee ay may address sa Pasay City.

Ayon kay EcoWaste Coalition adviser Manny Calonzo, nakakaalarma na ang pagpasok ng mga basura sa bansa.

Ang basurang galling Hong Kong aniya ay na mga electronic waste ay may taglay na delikadong kemikal tulad ng cadmium, lead, at mercury.

Sa ngayon sinabi ng Customs na sumasailalim na sa legal process ang kargamento ay nakatakdang ibalik sa Hong Kong.

Read more...