Pipiliing House Speaker pinag-usapan na ng mga miyembro ng party list coalition sa Kamara

Nagsagawa na ng pagpupulong ang mga bumubuo sa Party list coalition sa Kamara upang pag-usapan kung sino ang kanilang susuportahan upang maging House Speaker sa pagbubukas ng 18th Congress.

Ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin, inimbitahan din nila sa nasabing pulong ang ilan sa mga nagpahayag na ng pagnanais na tumakbo sa pinakamataas na lider sa kamara.

Ang maagang pagpapakita ng pwersa ng Party list Coalition ay dahil ayaw na daw nilang itrato sa mababang kapulungan bilang second class citizens.

Sinabi ni Garbin inaasahang aabot sa 50 ang magiging myembro ng sa koalisyon sa 18th congress.

Block voting rin aniya ang paiiralin nila sa pagboto sa kanilang mamanukin na maging house speaker.

Ilan sa mga nagsabi na na nais nilang maging house speaker ay sina Surigao Del Norte Cong. Ace Barbers, Taguig Congressman-elect Alan Peter Cayetano, Marinduque Rep. Lord Alan Jay Velasco, dating speaker at Davao Del Norte Rep. Pantaleon Alvarez at Leyte Congressman-elect Martin Romualdez.

Read more...