Pahayag ito ng DICT kasunod ng ipinataw na trade restrictions ng US laban sa Huawei dahil sa umanoy spying activities.
Ayon sa DICT, maaaring makaapekto ito sa supply chain ng Huawei pero maliit lang ang epekto sa telco industry.
“This may affect the supply chain of the Chinese company but it will have a little impact in the Philippine telecommunications industry,” pahayag ng ahensya.
Pero dagdag ng DICT, dahil sa isyu sa Huawei, nag-anunsyo na ang local telcos na gagawa sila ng hakbang para hindi ito makaapekto sa kanilang operasyon sa hinaharap.
Sa isyu ng cybersecurity, minomonitor ng kasalukuyang mga telco sa bansa ang kanilang network at hanggang ngayon ay walang insidente ng national security breach sa kanilang network na gumagamit ng Huawei.
Patuloy namang oobligahin ng DICT ang telcos na bantayan ang kanilang network at tiyakin sa gobyerno na hindi makokompromiso ang kanilang operasyon kundi ay maaari silang mawalan ng license to operate.
“With the creation of DICT, the government has the tools to protect our cyberspace from any threats to our national security,” dagdag ng ahensya.