3 timbog sa buy-bust operations sa Maynila at Quezon City

Naaresto ang tatlo katao sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Maynila at Quezon City.

Sa Binondo, timbog sina alyas ‘Toytoy’ at alyas Trixie kaninang hatinggabi.

Ayon kay Pol. Corporal Arvin Bautista ng Binondo Police, nabilhan ng poseur buyer ang dalawang suspek ng P500 halaga ng shabu sa operasyon sa Claro M. Recto Avenue.

Nakuha mula sa dalawang suspek ang higit 20 sachet ng hinihinalang shabu.

Miyembro umano si Toytoy ng Commando Gang.

Sa Brgy. Tandang Sora, Quezon City, arestado rin sa buy-bust operation ang isang tricycle driver.

Nakuhaan ang lalaking suspek na dati na ring nakulong sa iligal na droga ng siyam na sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

Read more...