3 patay sa buhawi sa Missouri

AP photo

Nasawi ang tatlo katao kabilang ang matandang mag-asawa sa pananalasa ng isang buhawi sa Missouri, USA.

Ang mga nasawi ay mula sa Golden City.

Nakita na lamang ang mga bangkay ng matandang mag-asawa na sina Kenneth Haris, 86 anyos at Opal, 83 anyos sa layong 600 feet mula sa kanilang bahay.

Ang ikatlong nasawi ay nakilalang si Betty Berg, 56 anyos kung saan wasak na wasak ang kanyang mobile home.

Dahil dito, pumalo na sa pito ang bilang ng nasawi dahil sa killer tornados sa linggo lamang na ito.

Naglabas ang US National Weather Service (NWS) ng high warning dahil sa mga buhawi.

Nakapagtala ang NWS ng 29 buhawi sa loob lamang ng 24 oras at mahigit 170 simula noong Biyernes.

Nagpahayag ng pakikiramay si President Donald Trump sa mga mamamayan ng Missouri at iginiit na handang tumulong ang gobyerno.

“Our hearts go out to the people of Missouri as they woke up to assess the damage from storms. You are strong and resilient, and we are here to assist,” ani Trump.

Read more...