Martial law sa Mindanao hindi pa babawiin ni Duterte

Wala pang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin na ang umiiral na Martial Law sa Mindanao Region.

Pahayag ito ng Palasyo kasabay ng paggunita kahapon sa ikalawang anibersaryo ng Marawi siege.

yon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala pang rekomendasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na ipabawi na sa Pangulo ang Martial Law.

Paliwanag ni Panelo, saka lamang babawiin ng Pangulo ang Martial Law kung wala nang banta sa seguridad.

Matatandaan na noong May 23, 2017 ideneklara ni Pangulong Duterte ang Martial Law sa Mindanao Region matapos gyerahin ng teroristang Maute at Isis ang Marawi City.

 

 

Read more...