Pinakamodernong warship ng Pilipinas pinasinayaan sa South Korea

Natupad na ang pangarap ng Philippine Navy na magkaroon ng sariling ‘warship’ o barkong pandigma para bantayan ang katubigan ng bansa.

Isang seremonya ang isinagawa sa pagpapasinaya ng una sa dalawang missile frigates ng Pilipinas na BRP Jose Rizal (FF-150) sa shipyard ng Hyundai Heavy Industries (HHI) sa Ulsan, South Korea.

Dumalo sa launching ang mga opisyal ng Department of Defense, Armed Forces of the Philippines at Philippine Navy.

May kakayahan ang P18 bilyong missile frigates sa anti-warfare, anti-surface warfare, anti-submarine warfare at electronic warfare operations.

Kaya ring maglulan ng barko ng higit isandaang officers at crew.

Kasabay ng launching ng BRP Jose Rizal, sinimulan na rin ang konstruksyon ng BRP Antonio Luna (FF-151) na isinalang na rin sa tradisyonal na keel laying ceremony o paglalatag ng gulugod ng barko.

Inaasahang maidedeliver sa Pilipinas ang mga barko sa Sept. 6, 2020 at March 6, 2021.

Ayon kay Navy chief Vice Adm. Robert Empedrad, palalawigin ng dalawang warships ang depensa at patrolya ng Hukbong Pandagat sa West Philippine Sea at Philippine Rise.

Read more...