LOOK: Heart Evangelista nagpinta ng bag para kay Alex Gonzaga

Credit: Alex Gonzaga

Nagpinta ng bag si Heart Evangelista para kay Alex Gonzaga, dagdag sa mga hand-painted bags na ibinigay niya para sa mga kapwa artista.

Hindi gaya ng karaniwang designer bag na pinipintahan ni Heart, ang ibinigay ni Alex ay isang maliit na denim sling bag.

Dahil sa kanyang malikhaing kamay ay binigyan ni Heart ng bagong hitsura ang bag ni Alex.

Makikita ang bag na may painting ng isang babae na may brown hair at pulang mga puso.

Credit: Alex Gonzaga

Ayon kay Alex, minsan lamang siyang makapag-papinta ng bag kay Heart.

Sina Kim Chiu, Carla Abellana, Jinkee Pacquiao at iba pang showbiz personalities ang mayroong hand-painted bags ni Heart.

Bago pagbigyan ang hiling ni Alex na hand-painted bag, ipinakita ni Heart kay Alex ang kanyang opisina kung saan kasama niya ang mister na si Sen. Chiz Escudero.

Read more...