P3M halaga ng mga isda iligal na kinuha sa Palawan

PCG photo

Nasabat ng Philippine Coast Guard ang mga iligal na nakuhang isda sa Palawan na nagkakahalaga ng mahigit P3 milyon.

Sa tulong ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Law Enforcement 4-A, nakumpiska ang kontrabando sa barkong Merchant Vessel Alejandra.

Naglalalaman ang barko ng halos 200 banyera ng mga pinasabog na isda at endangered species.

Galing ang barko sa Linapacan, Palawan at papuntang Delpan Wharf sa Maynila.

Nakumpiska ang 162 banyera ng mga isda, 79 sa mga ito ay naglalaman ng mga pinasabog na mga isda na nagkakahalaga ng higit P3.2 milyon.

Isa namang banyera ang naglalaman ng mga endangered species gaya ng stingrays at mga pating.

Nasa kustodiya na ngayon ng PCG ang sampung crew ng barko.

Read more...