5 bangkay natagpuan sa bahay sa Bulacan

Natagpuan ang mga bangkay ng limang katao sa isang bahay sa San Jose del Monte, Bulacan Huwebes ng umaga.

Ayon sa report ng San Jose del Monte Police, nakita ang mga bangkay sa bahay sa Purok 4, Barangay San Pedro alas 6:00 ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Norberto Oden, Manuelito Bergonio, Juliet Fernandez, isang alias Mel Diezel at isang hindi pa kilalang suspek.

Ayon sa pulisya, ang mga bangkay ay nadiskubre ng kapit-bahay na si Sergio Yumol.

Nakita ang lima na nakahiga sa magkaka-ibang posisyon sa sala ng bahay at may mga tama ng baril.

Ayon sa ilang kapitbahay, wala silang narinig na anumang komosyon kundi ang magkakasunod na lamang na putok ng baril.

Lumabas sa imbestigasyon na ang bahay ay nagsisilbing drug den.

Ang mga nasawi ay sinasabing nasa likod ng distribusyon at kalakalan ng droga sa lugar.

Nakuha sa lugar ang ilang basyo ng mga bala at pitong sachet ng shabu.

Pinag-aaralan na ng pulisya ang CCTV footage sa lugar para sa posibleng pagkakilanlan ng mga bumaril sa mga biktima.

Read more...