3 arestado sa buy bust sa QC

QCPD photo

Tatlong katao ang arestado sa buy bust operation sa Commonwealth Avenue, Barangay Batasan Hills, Quezon City Huwebes ng hapon.

Ayon sa QCPD Batasan Police Station 6, nakuha sa mga suspek ang mahigit P800,000 na halaga ng shabu.

Ang arestadong mga suspek ay sina Johairah Wali, 33 anyos, Edgar De Asis, 30 anyos, at Ernelito Reyes, 46 anyos.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) alas 4:00 ng hapon.

QCPD photo

Narekober sa tatlo ang 11 na sachet ng shabu, P1,000 marked money at 9 na piraso ng P1,000.

Ang nakumpiska sa mga ito ay may timbang na 125 gramo at nagkakahalaga ng P820,000.

Nakakulong na ngayon ang tatlo sa Batasan Police Station 6 at nahaharap sa kaukulang kaso.

Read more...