Ang mga ni-rescue na kabataan ay mula sa Olympia, Singkamas, Rizal, Cembo, at West Rembo ay pawang dinala muna sa mga barangay bago inihatid sa kani-kanilang mga bahay.
Ayon sa Makati City Ordinance No. 2017-098 (The Child Protection Ordinance of the City of Makati), bawal lumabas ng kalsada o makita sa pampublikong lugar ang mga kabataan edad 17 pababa mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw.
Bukod sa pagpapatupad ng mga ordinansa tulad ng pagbabawal sa pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar, pagsusugal, at paninigarilyo, ay tiniyak ng Makati Police na pinapangalagaan din ang kapakanan ng mga menor de edad sa lungsod.