Magkapatid natagpuang patay at palutang-lutang sa Ilog Pasig

Patay ang magkapatid na lalaki makarang malunod sa Pasig River sakop ng Makati City.

Ayon sa Makati City Police, natagpuang palutang-lutang ang katawan ni Angelo De Guzman, 11 anyos sa JP Rizal Street kanto ng Estrella Street sa Brgy. Poblacion alas 5:45 ng madaling araw ng Huwebes, May 23.

Rumesponde ang mga tauhan ng Makati Search and Rescue Team at sila ang kumuha sa katawan ng bata.

Makalipas ang 30-minuto, natagpuan naman ng mga tauhan ng Makati Police ang katawan ni Dave De Guzman, 4 na taon sa bahagi ng Pasig River sa Brgy. West Rembo.

Ayon kay Maj. Gideon Ines ng Makati City police station, unang nalaglag sa ilog si Dave at tinangka itong sagipin ng kaniyang kuya pero hindi rin ito marunong lumangoy.

Read more...