Lalaki patay sa sunog sa Lapu-Lapu City

Nasawi ang isang 56 anyos na lalaki sa sunog sa Barangay Basak, Lapu-Lapu City, Huwebes ng umaga, May 23.

Ayon kay Fire Investigator Christian Clyde Tacandong, natupok sa nasabing insidente ang kwarto kung saan naroroon si Norman Manggubat Oyao.

Hindi naman na ito kumalat sa iba pang bahagi ng bahay.

Sinabi ni Tacandong na tumagal lang ng apat na minuto ang sunog dahil nagtulong-tulong ang mga residente na maapula ang apoy kabila na ang kapatid ni Oyao.

Nang maapula na ang apoy, nakita nila ang bangkay ng biktima sa loob ng kwarto.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Read more...