Kaso vs Bikoy pag-aaralan ng kampo ni Sen. Trillanes

Pag-aaralan na ng kampo ni Senador Antonio Trillanes IV ang isasampang kaso laban kay Peter Joenel Advincula o alyas Bikoy matapos ang mga rebelasyon nito na si Trillanes at ang Liberal Party ang nasa likod ng umano’y “scripted” na “Ang Totoong Narcolist” video.

Pahayag ito ni Trillanes matapos na lumantad si Bikoy kasunod ng pagsuko niya sa Philippine National Police (PNP).

Mariing itinanggi ng senador ang mga panibagong akusasyon ni Bikoy.

Ayon kay Trillanes panibagong aksyon na naman ito ng administrasyon para i-harras ang oposisyon.

Sa pahayag naman ni LP President Kiko Pangilinan sinabi nitong hindi na bago sa kaniya ang kasinungalingan ng administrasyon.

Lagi na lang aniyang idinadamay ang LP gaya ng nangyari noong nakaraang taon na may ouster plot umano laban sa pangulo.

Naniniwala lamang si Pangilinan na nililihis lamang ng administrasyon ang tunay na isyu partikular ang hindi pagiging epektibo ng war on drugs ng adminstrasyon dahil sa kawalan ng nahuhuling malalaking isda.

Read more...