Mayor Sara Duterte may bwelta kay alyas Bikoy

Binuweltahan ni Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte si Alyas Bikoy o Peter Joemel Advincula at mga nasa likod nito.

Ayon kay Mayor Sara, dapat nang magpakamatay ang lider ng grupo at tanggalin ang utak na hindi naman naging kapaki-pakinabang.

Una rito, sinabi ni Bikoy na ang Liberal Party at si Senador Antonio Trillanes IV ang gumawa ng video at nagpalutang sa kanya.

Sinabi pa ni Mayor Sara na scam at sira ulo si Bikoy at pinalutang ng mga taong ayaw sa administrasyong Duterte at para gibain ang kredibilidad ng pangulo at ng kanyang pamilya.

Disorganized aniya ang grupo kung kaya hindi nakaaabot sa first base.

Magulo din aniya ang objective ng grupo kung kaya hindi nagtatagumpay sa kanilang mga minimithi.

Read more...