Comelec naglinaw, substitution ni Cardema sa Duterte Youth partylist group hindi pa tinatanggap

Naglinaw si Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon na hindi pa inaaprubahan ang application for substitution ng National Youth Commission (NYC) chairman Ronald Cardema.

Ipinaliwanag ni Guanzon na ang pinirmahan ni Comelec Chairman Sheriff Abas ay ang resolusyon para talakayin ang aplikasyon ni Cardema at kung kwalipikado itong maging kinatawan ng partylist group na Duterte Youth.

Ang application for substitution ay naisumite ni Cardema noong Linggo, May 12 alinsunod sa patakaran para sa substitution.

Gayunman, hindi ito natalakay dahil hindi naman regular work day ang nasabing araw.

Sa nasabing dokumento hinihiling ni Cardema na siya ang humalili sa kanyang asawa bilang first nominee ng kanilang partylist.

Gayunman, kinukuwestyon ng ilang grupo ang nasabing plano dahil nilalabag nito ang partylist law kung saan nakasaad na ang youth sector representative ay kailangang nasa pagitan ng idad na 25-30.

Read more...