Malakanyang nakiusap sa mga nanalong senador na unahing ipasa ang mga batas na kapaki-pakinabang sa mga Filipino

Ngayong naiproklama na ng Commission on Elections (Comelec) ang 12 nanalong senador, nakikiusap ang Palasyo ng Malakanyang sa mga mambabatas na isantabi ang pulitika at bumalangkas ng mga batas na kapaki-pakinabang sa taumbayan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, umaasa ang Palasyo na makikipagtulungan ang mga senador sa mga programang inilatag ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa socioeconomic development, infrastructure program at iba pa.

Ayon kay Panelo walang ibang hinangad ang pangulo kundi bigyan ng komportableng pamumuhay ang bawat Filipino.

Ilan sa mga prayoridad na panukalang batas ng administrasyong Duterte ang charter change o pag-amyenda sa Saligang Batas, pagtatag ng Department of Disaster Resilience Act, Tax Reform for Attracting Better and High-Quality Opportunities, National Land Use Act at iba pa.

Matatandaang naging pangako ni Pangulong Duterte na baguhin ang kasalukuyang porma ng gobyerno subalit nangangalahati na sa kanyang termino ay hindi pa nakakamit ang inaasam na pederalismo.

Read more...