Sinabi ito sa isang statement ng kanilang Minister of Environment and Climate Change, Catherine McKenna kasunod ng ulat na kukuha na ng isang private firm ang pamahalaang Pilipinas para hakutin ang nasabing basura pabalik ng naturang bansa.
Ayon kay McKenna may napili na silang kompanya na maghahakot sa basura bagaman kailangan anila maging maingat sa proseso para makatugon sa kanilang “safety and health requirements.”
Napag-alaman na iginiwad ang kontrata sa kompanyang Bollore Logistics Canada na anumang araw ay sisimulan na ang kanilang trabaho.
Kaugnay nito, binigyan-diin din sa statement na pagpapahalaga sa matagal nang relasyon ng Canada at ng Pilipinas.
“The Government of Canada maintains ongoing discussions with the Government of the Philippines to ensure a positive outcome to this issue in a timely fashion.Values its deep and longstanding relationship with the Philippines and continues to work with that country to ensure swift resolution to this important issue of promptly repatriating waste exported to the Philippines by a Canadian company.” Ayon sa kalatas.
Tiniyak pa ng Canadian government na sila ang sasagot sa gastusin para maibalik ang mga basura.