WATCH: “Ang Totoong Narcolist” episode 1 to 5 pawang scripted at kasinungalingan lahat ayon kay Peter Advincula

Matapos sumuko, naglabas ng pahayag si Peter Advincula na nagpakilalang si “Bikoy” para pasinungalingan ang lahat ng kaniyang mga inilantad sa “Ang Totoong Narcolist” videos.

Ayon kay Advincula, ang lahat ng episode 1 to 5 ng “Ang Totoong Narcolist” kung saan siya ay nagpakilalang “Bikoy” bilang narrator sa mga video ay pawang scripted lahat at kasinungalingan.

Ibinunyag ni Advincula ang “Project Sodoma” na ang layon ay pabagsakin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte para maitalaga bilang pangulo si Vice President Leni Robredo.

At kapag naging presidente na si Robredo ay itatalaga nitong bise presidente si Sen Antonio Trillanes IV.

Sinabi ni Advincula, siyam na buwang pinagplanuhan ang proyekto at personal niyang nakakausap tungkol dito si Sen. Trillanes, Sen. Risa Hontiveros at staff ni Sen. Leila De Lima.

Sa ilalim ng “Project Sodoma” gagawa ng mga isyu para i-divert ang atensyon ng tao dahil masyadong mataas ang ratings ng administrasyong Duterte.

Bahagi aniya ng plano ang naging pahayag ng dating police official na si Eduardo Acierto laban kay senator-elect Bong Go.

Ani Advincula, pingakuan siya na kapag naisakatuparan ang lahat ng plano ay babayaran sya at i-aabsolute pardon sya sa mga kaso at bibigyan pa ng posisyon sa gobyerno.

Aminado si Advincula na mali ang kaniyang ginawa at nagpasilaw siya sa pera at ito aniya ang nakikita niyang pamamaraan upang itama ang mga pagkakamali niya.

Read more...