2 most wanted sa Maynila arestado

Arestado ang dalawang most wanted person ng Manila Police District sa ikinasang operasyon sa Maynila.

Ayon sa ulat ng MPD, nahuli si Jonathan Acuendo Abanto, labing siyam (19) na taong gulang, isang tricycle driver at residente ng Sampaloc Manila.

Si Abanto ay pangatlo na Most Wanted Person ng MPD, na may warrant of arrest na inilabas ni Judge Ferdinand Baylon ng Regional Trial Court Branch 77 ng Quezon City kasong Robbery.

Samantala, sa hiwalay na operasyon, nahuli rin si Adrian Brieva Angeles, dalawampu’t siyam (29) na taong gulang, isang CCTV installer na taga Sampaloc din.

Si Angeles ay ang pag-anim (6) na most wanted Person ng MPD, na may warrant of arrest na inilabas ni Judge Renato Encisco ng Regional Trial Court Branch 12 Manila sa kasong pagnananakaw.

Ang dalawang nabangit na mga most wanted person ay nakakulong na ngayon sa Station Custodian Facility at ibabalik naman ang mga warrant of arrest sa mga korte na nag issue nito.

Read more...