Delivery van tumagilid sa C5 northbound; mga kargang kahoy kumalat sa kalsada

Inquirer file photo
Maagang naperwisyo ang daloy ng traffic sa C-5 Northbound.

Ito ay makaraang mabangga ng isang fork lift ang isang delivery van sa bahagi ng C-5 Greenmeadows.

Ang aksidente ay nangyari pasado alas 5:00 ng umaga ng Huwebes, May 23.

Dahil sa nasabing aksidente, tumagilid ang delivery van at kumalat ang mga karga nitong kahoy sa kalsada.

Nabarahan ang tatlong linya ng bahaging iyon ng C-5.

Makalipas naman ang ilang minute agad hinatak ang delivery van at nalinis ang mga humambalang na kahoy.

Wala namang nasaktan sa nasabing aksidente.

Read more...