Mismong ang personal na doktor ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isa sa mga nagreklamo ng kurapsyon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Nela Charade Puno.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ang naging basehan ni Pangulong Duterte kung kaya’t sinibak si Puno.
Sa ngayon, sinabi ni Panelo na ipinasa na ng Malakanyang sa Department of Justice (DoJ) ang mga reklamo para masampahan ng kaukulang kaso si Puno.
Naghihintay na rin anya ang Department of Health (DoH) ng sworn statement na manggagalig sa mga complainants.
Kasabay nito nagpasalamat naman ang mga malalaking pharmaceutical at healthcare services kay Pangulong Duterte dahil sa pagsibak kay Puno at pangakong tutugunan nito ang problema sa kurapsyon.