American national na naaresto sa Afghanistan dahil sa pagiging kasapi ng Taliban, palalayain na ngayong araw

Nakatakdang palabasin ng bilangguan ngayong araw ang American national na aaresto sa AFghanistan noong 2001 dahil sa pagiging kasapi ng Taliban.

Si John Walker Lindh ay itinuring na national traitor at banta sa seguridad ng Amerika at ikinulong sa federal prison sa Indiana.

20 anyos lang noon nang maaresto si Lindh at makalipas ang 17 taon niyang pagkakabilanggo ay palalayain na ito.

Si Lindh ay kabilang sa dose-dosenang preso na makalalaya matapos madakip sa Iraq at Afghanistan ng US forces at nahatulan sa kasong may kaugnayan sa terorismo.

Marami namang opisyal ng gobyerno ang tumutol sa paglaya ni Lindh dahil maaring banta pa umano ito sa seguridad.

Read more...