Koordinasyon ng Malakanyang at Senado magiging maayos pa rin

Tiniyak ni Senator-elect Christopher “Bong” Go na magiging maayos ang koordinasyon ng Malakanyang at Senado.

Kaugnay nito, sinabi ni Go na handa siyang maging tulay para sa maayos na ugnayan ng dalawang magkahiwalay na sangay ng gobyerno.

Nilinaw ni Go na bagama’t suportado niya at inendorso siya ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi naman ito nangingielam sa kanyang mga diskarte.

Sinabi ni Go na ang tanging bilin sa kanya ni Pangulong Duterte na unahin ang kapakanan ng mga Pilipino at tiyak na hindi siya magkakamali sa pagbibigay ng public service.

Samantala, pinasalamatan ni Go ang mga sumuporta sa kanya maging ang taumbayan na nagtiwala sa kanya.

Read more...