Ayon kay PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz, dahil sa frontal system, ngayong araw, ang Bicol Region at Eastern Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pagulan.
Sa Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay mas madalas na mararanasan ang pag-ulan dulot ng thunderstorms.
Ang malakas at biglaang buhos ng ulan ay maaring magdulot ng pagbaha lalo na sa mabababang lugar.
Makararanas pa rin naman ng mainit na temperatura sa tanghali kung saan sa Metro Manila ay inaasahang aabot sa hanggang 34 degrees Celsius ang maximum na temperatura.