Ayon kay CITF commander Police Col. Romeo Caramat, ang suspek ay nakilalang sina Police Staff Sergeant Jeffrey Romero Fabros at Police Master Sergeant Erwin Piquero.
Ang dalawa ay kapwa nahuli sa aktong tumatanggap ng P50,000 na marked money mula sa complainant.
‘Paliwanag ni Caramat, humingi ng tulong sa kanila ang biktima dahil hinihingan siya ng P200,000 ng mga suspek para mai-downgrade ang kaso ng kaniyang anak na aaresto dahil sa illegal possession of firearms noong May 17.
Sinalakay umano ng mga pulis ang bahay ng nagreklamo sa Wao, Lanao del Sur nang walang search warrant kung saan nakuha ang kalibre 45 na baril.
Ayon kay Caramat, nakapagbigay na ang complainant ng inisyal na P100,000 sa mga pulis kaya pinayagang makalaya ang naarestong anak.
Pero nag-demand pa ng dagdag na P100,000 ang mga pulis na kalaunan ay napababa sa P50,000.
Doon na humingi ng tulong sa CITF ang nagreklamo.
Nabatid na ang dalawang pulis ay kapwa mayroon na dating kinaharap na reklamo na may kaugnayan sa ilegal na droga kaya nailipat sila sa Mindanao.