6 arestado sa bahay na ginagawang drug den sa QC

Arestado ang anim na katao kabilang ang tatlong menor de edad sa isinagawang buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City.

Ikinasa ang buy-bust operation sa isang bahay sa Barangay Bagbag dahil sa hinalang ginagamit itong drug den.

Nadakip ng mga tauhan ng QCPD Station 4 ang target ng buy-bust na si alyas boss na dati nang nakulong dahil din sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga at pagnanakaw.

Arestado din ang kasamahan nitong si alyas Bokyo.

Dinampot naman ang apat na parokyano ng mga suspek na nadatnang bumabatak ng shabu sa bahay kabilang ang tatlong menor de edad.

Aabot sa pitong sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mga suspek na nagkakahalaga ng P50,000.

Read more...