Pahayag ito nina Senators-election Bong Go at Ronald Dela Rosa dahil siyam sa 12 nanalong Senador ay mga kaalyado o suportado ang administrasyon.
Iginiit ni Go na siya ay Senador at walang rubber stamp sa Senado.
“Mukha po ba akong rubber stamp? Senador po ako. Wala pong rubber stamp sa Senado,” pahayag ni Go matapos ang proklamasyon.
Ibinahagi naman ni Dela Rosa na sinabihan siya ng Pangulo na laging isipin ang kapakanan ng mga Pilipino sa kanyang bagong trabaho bilang Senador.
“Sabi niya sa akin (He said to me), ‘Bato you are a senator of the Filipinos, you are not a senator of Duterte. Gawin mo ang trabaho mo para sa kapakanan ng Pilipino (Do your job for the welfare of the Filipino),” ani General Bato.
Samantala, tiniyak din ng dalawang nanalong reelectionists na kaalyado rin ng gobyerno na magiging independent ang Senado.
Ayon kay Sen. Sonny Angara, nais nilang tulungan ang Pangulo at ang publiko pero inaasahan ang independence ng mga senador.
“We want to help the President. We want to help the people, but they also expect independence from the senators,” ani Angara.
Nanawagan naman ang nanguna sa Senatorial race na si Senator-elect Cynthia Villar sa mga miyembro ng Senado at Kamara na isantabi na ang political differences at manatiling independent.
“The Senate or the entire Congress, after all, is a collegial body. The laws we craft or legislate must consider all interests. A strong and independent Senate has always been our goal ever since,” pahayag ni Villar sa kanyang talumpati sa proclamation ceremony sa PICC.