Sa pahayag araw ng Miyerkules, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na dapat ihinto na ang pamumulitika na nagdudulot lamang ng pagkakawatak-watak.
“We call on everyone in all sides of the political spectrum to have a moratorium in what appears to most of us as excessive politicking that has only caused more divisions amongst us,” ani Panelo.
Panahon na anya para tumulong sa pagtaguyod sa bansa at dapat ituon ng mga nanalo sa halalan ang kanilang sarili sa serbisyo publiko.
Iginiit ng Malacañang na ipinakita ng katatapos lamang na midterm elections na matatag ang demokrasya sa bansa.
Sinabi ni Panelo na dapat magtulungan para sa mga proyektong makapagpapaunlad sa Pilipinas at sa mga mamamayan.
Umaasa anya ang Palasyo na ang mga naiproklamang Senador ay gagawin ang kanilang lahat ng makakaya at mananatiling tapat ang mga ito sa kanilang sinumpaan, sa Saligang Batas at sa bansa.