Libu-libo wala pa ring matirahan sa Marawi City

Nanatiling walang matirahan ang libu-libong katao sa Marawi City dalawang taon matapos sumiklab ang karahasan sa lungsod.

Ayon sa pahayag ni International Committee of the Red Cross head Martin Thalmann araw ng Miyerkules, higit 100,000 katao pa rin ang walang tahanan matapos ang bakbakan noong 2017.

Nag-iwan anya ng malalim na sugat ang giyera na sinimulan ng Maute terror group at pagod at dismayado na ang mga bakwit.

“Despite the numerous aid efforts that have truly helped those in need over the two years, the people of Marawi have grown tired and frustrated. They want to stand on their own feet again and stop depending on assistance,” ani Thalmann.

Ang mga apektadong mamamayan anya na nasa evacuation centers ay patuloy na nahihirapan para magkaroon ng malinis na tubig, kabuhayan at lalo na ang permanenteng matitirahan.

“Whether they’ve been living with relatives or are in evacuation centers and transition sites, the displaced people of Marawi struggle for access to potable water, viable livelihood opportunities and most importantly, permanent shelters,” giit ng ICRC.

Sinabi naman ni Thalmann na nagsusumikap ang gobyerno na tugunan ang pinakamalalaking problema para masimulan na ang rehabilitasyon sa pinakaapektadong lugar sa Marawi.

 

 

Read more...