Ayon sa Malakanyang, ganap ng batas ang Republic Act 11310.
Bilang national poverty program ng gobyerno, nakapaloob sa 4Ps ang conditional cash transfer sa mahirap na pamilya para sa maximum period na 7 taon para isulong ang kalusugan, nutrisyon at edukasyon na aspeto ng kanilang pamumuhay.
Sa ilalim ng institutionalized 4Ps, hindi bababa sa P300 at P500 kada buwan ang tulong pinansyal sa bawat batang naka-enrol sa elementarya at junior high school sa maximum na 10 buwan kada taon.
Ang senior high school student beneficiary ay tatanggap naman ng P700 kada buwan sa maximum na 10 buwan kada taon.
Samantala, ang health at nutrition benefits sa kwalipikadong beneficiary ay hindi bababa sa P750 kada buwan sa maximum na 10 buwan kada taon.
May kaukulang parusa para sa pagbibigay ng maling impormasyon o hindi paggamit sa tama ng nakaalang halaga.